53

Oct 12, 2019 @ 19:34
By

Palomata, Air Force dinalawahan ang Choco

Buhay pa ang asam ng Philippine Air Force Lady Jet Spikers na makahirit ng laro sa semifinals matapos kalusin ang Choco Mucho Flying Titans, 20-25, 25-18, 29-27, 26-24, sa second game ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference Sabado ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nasa pang-anim na puwesto ang Lady Jet Spikers kapit ang 6-7 record, kailangan nilang maipanalo ang lahat ng natitirang laro upang mapanatili ang tsansa sa susunod na phase.

Kumapit ang Air Force kina veteran duo Dell Palomata at Joy Cases upang duplikahin ang kanilang first round win kontra Choco Mucho.

Natisod sa unang set ang Lady Jet Spikers pero biglang lumabas ang kanilang bangis sa huling tatlong natitirang frames.

Tumipa si Palomata ng 10 kills, apat na blocks at isang service ace para sa Air Force habang bumakas si Judy Ann Caballejo ng 11 puntos.

Kumana si Kat Tolentino ng 16 markers habang tumikada sina Maddie Madayag at Bea De Leon ng tig 15 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod para sa Flying Titans na may 6-9 card.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?