137
Palo Archbishop: Panatilihin ang pagiging sagrado ng mga boto
May 12, 2019 @ 14:59
By

Palo Archbishop: Panatilihin ang pagiging sagrado ng mga boto

Sa kabila ng mga napapaulat na vote-buying sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, umapela si Palo Archbishop John Du sa mga kandidato na huwag bumili ng boto at sa mga botante na huwag ibenta ang kanilang mga boto.

Saad ni Du, ang electoral process ay sagrado at dapat na respetuhin ito.

“I pray that the elections will be honest and clean,” aniya.

“People should keep the sacredness of their votes because that is their privilege and right,” dagdag pa niya.

Naiulat na nagkakaroon ng bilihan ng boto sa ilang bahagi ng Eastern Visayas kung saan ay inaalok ang mga botante ng halagang P20 hanggang P5,000.

Sa Tacloban City ay naglilibot ang mga pulis sakay sa kanilang mga patrol car upang paalalahanan ang mga botante na huwag tumanggap ng pera mula sa mga kandidato dahil maaari silang makulong ng hanggang anim na taon kapag na-convict ng korte.

Samantala, wala pa naman umanong nahuhuli ang lokal na pulisya ng botanteng sangkot sa vote-buying.

Ayon naman sa lawyer na si Rafael Olano, regional director ng Commission on Elections (Comelec), kahit na nakatatanggap sila ng mga ulat ng vote-buying sa rehiyon ay hindi sila makagawa ng aksyon dahil kailangang maisadokumento muna ito.

“We received information on vote-buying, particularly in Leyte and Samar but so far we could not act on them. We asked them to reduce their complaint into writing so we can conduct our investigation,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?