9
Abante-TnT--harry roque

Palitan sa liderato ng Senado, nirerespeto ng Malacañang

Sharing is caring!

Iginagalang ng Malacañang ang pagbabago sa liderato ng Senado partikular sa napipintong pag-upo ni Senador Vicente Sotto III kapalit ni Senate President Koko Pimentel.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na nagpapasalamat sila sa magandang relasyon at partnership ng ehekutibo kay Pimentel sa buong panahon na naging Senate President ito, partikular ang mga naipasang mahahalagang panukalang batas na napapakinabangan na ng sambayanan.

kabilang dito ang pagiging batas ng libreng tuition fee sa lahat ng state university and colleges, libreng irigasyon para sa mga magsasaka at iba pa.

“Well gaya po ng sinabi namin ng isang linggo, we respect the choice of our senators on their leader although we would like to commend and express our appreciation also for the partnership that we had with Senate President Koko Pimentel. We know that we had landmark legislation enacted during his term of office, these includes the free tuition for all state university and colleges, the free irrigation among others ‘no. Hindi po siguro naging—na-enact iyang mga batas na iyan na walang kooperasyon din ni Senate President Koko Pimentel,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na sinuman ang susunod na lider ng Senado ay makakaasa ng suporta at kooperasyon mula sa ehekutibo.

“At the same time whoever the senators may choose as their Senate President, we assure the incoming Senate President of our willingness to work with him as we recognize naman that whoever the new Senate President would also be a close ally of the Palace,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?