52

Oct 14, 2021 @ 14:50
By

Palitan ng kandidato gusto ipagbawal ni Rodriguez

Inihain ng isang solon ang panukala na magbabawal sa pagpapalit ng kandidato ng isang partido maliban na lamang kung ito ay namatay o diniskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni House Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na bumababa ang integridad ng halalan dahil iniisip ng mga botante na hindi seryoso ang tumatakbo.

“While there is nothing wrong with substitution in case of death or disqualification which is justifiable, substitution because of withdrawal, or what others call voluntary substitution, may pose serious questions and may lead to the manipulation and mockery of the election process,” sabi ni Rodriguez.

Kung dinidiskuwalipika umano ang Comelec ang mga naghahain ng certificate of candidacy (COC) dahil sa tingin nito ay pinaglalaruan lamang ang halalan dapat din umanong idiskuwalipika ang mga tao na wala talagang intensyon na tumakbo.

“As such, any person who has no real intention to run and only filed for candidacy as a placeholder (for another aspirant) should be declared as a nuisance candidate,” dagdag pa ni Rodriguez.

Samantala, inihain din ni Rodriguez ang House Bill 10381 upang awtomatikong maalis sa puwesto ang mga incumbent official na tumatakbo sa ibang posisyon.

Ayon kay Rodriguez dati na ang probisyon na ito sa Election law pero natanggal sa ilalim ng Fair Elections Act of 2001 (RA 9006).

“This would force aspirants to take running for higher office seriously and to stop manipulating and mocking the electoral process. It would also make more people believe in the integrity of our elections,” dagdag pa ng solon.

Sa ganitong paraan ay maiiwasan din umano na magamit ng kandidato ang tanggapan, pondo at ari-arian ng gobyerno. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?