413

May 15, 2019 @ 15:07
By

Palit pangalan sa NLEX, lusot na sa Kamara

Inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang panukalang magbabago sa pangalang North Luzon Expressway (NLEX) tungo sa Marcelo H. del Pilar Expressway (MHDPEX).

Ayon sa kapulungan, kinakailangan umano ang pagpapalit pangalan sa NLEX para laging maalala ng mga Filipino ang bayaning si Del Pilar na mabuting ehemplo ng selfless service at walang kapantay na lakas ng loob at pamumuno.

Layon umano ng House Bill No. 8958 ni Bulacan Rep. Joe Antonio Sy-Alvarado, na gunitain si Del Pilar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?