31

By

Paliparan sa Tuguegarao nabasag ang mga salamin, ilang x-ray dahil sa Ompong

Sharing is caring!

Napinsala ang airport sa Tuguegarao City matapos manalasa ang bagyong Ompong sa Northern Luzon madaling-araw ng Sabado, Setyembre 15.

Sinabi ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade na batay sa kanyang pag-iikot ay nadamay din kasama ang opisina ng Civil Aviation Authority of the Philippines.

Nabasag ang mga salamin sa opisina ng airport, ang x-ray ay nabagsakan pati mga computers ay nabagsakan.

Pero sinabi ni Tugade na walang problema sa runway ng Tuguegarao airport,at kailangan lamang ma-check kung walang crack ito.

“Makikita yung opisina yung mga glasses splintered, yung x-ray machine mukhang nabagsakan ng ceiling, yung mga computerd basag, nabagsakan at mukhang may problema,” ani Tugade.

Sinabi ng kalihim na prayoridad nila ngayon ay maibalik agad ang communication, partikular ang tinatawag na high frequency para sa mga mga eroplano.

Sa ngayon ani Tugade ay hindi muna papayagan ang commercial planes dahil kailangan pang makita kung may depekto sa airport.

Si Tugade ay pinauwi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Cagayan gayundin si Labor Secretary Silvestre Bello III sa Isabela para personal na pangasiwaan ang pag-alalay sa kababayan.

Sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kung hindi uubrang gamitin ang Tuguegarao City airport ay maaaring gawing alternatibo ang airport sa Lallo at sa Cauayan airport sa Isabela.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?