64

Dec 12, 2017 @ 16:27
By

Palicte tagumpay kay Mexican Rodriguez via TKO

Matagumpay na naidepensa ni Aston Francis Palicte ang kanyang North American Boxing Federation super flyweight title sa pagdemolis via fifth round technical knockout win kay Jose Alfredo Rodriguez ng Mexico nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas) sa Round Rock City Sports Center sa Texas.

Naiangat ng may taas na 5’7” at 26-anyos na Pinoy na tubong Bago City ang rekord niya sa 24 na panalo na may 18 knockouts at dalawang talo samantalang laglag ang Mexican sa 32-7 win-loss.

Agresibo ang Mehikano sa opening round pero habang patagal ang laban nagamay na ni Palicte ang mga buntal nito tungo sa pagpapahinto ng huli sa una sa nabanggit na yugto ng bakbakan.

Si Palicte rin ang kasalukuyang may hawak ng mga titulo sa super flyweight division ng World Boxing Organization Inter-Continental at International Boxing Federation Pan Pacific.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?