133

Feb 4, 2019 @ 18:47
By ,

Palicte, Nietes muling magku-krus

Nasungkit ng Pinoy boxer na si Aston “Mighty” Palicte ang mandatory challenger spot kontra kapwa Pinoy Donnie “Ahas” Nietes para sa WBO junior bantamweight title.

Nasikwat ni Nietes (25-2-1, 21 KOs) ang nasabing spot matapos nitong padapain ang dating walang talong si Puerto Rican Jose “Chiquiro” Martinez sa ikalawang round ng kanilang laban noong Huwebes ng gabi sa World Boxing Organization (WBO) Junior Bantamweight Title Eliminator sa Oak Ballroom sa Viejas Casino and Resort sa Alpine, California.

Huling nagharap ang dalawang Pinoy fighter noong Setyembre para sa bakanteng World Boxing Organization (WBO) Junior Bantamweight title pero naging kontrobersyal ito nang maging draw ang naging resulta nito.

Maraming nagsasabi na si Nietes ang nanalo dito at marami ring naniniwala na si Palicte ang nagkampeon, kaya isang magandang pagkakataon ito para patunayan kung sino ang tunay na naghari.

“I will start the process on making a deal with Nietes’ people. We’re looking forward to seeing Aston become world champion,” sabi ni Keith Veltre, CEO ng RJJ Boxing.

Nagpaulan ng mga suntok si Palicte sa pagpasok ng ikalawang round ng kanilang laban at dito pinakawalan nito ang kanyang kanang kamao kay Martinez na nagpatumba rito.

Nagawa pang makatayo ni Martinez bago matapos ang bilang pero agarang bumirada ng mga suntok si Palicte kaya itinigil na ng referee ang bakbakan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?