129

By ,

Palicte nganga, TKO kay Ioka

Kinubabawan ni Japanese fighter Kazuto Ioka via 10th round stoppage ang Pinoy na si Aston Palicte para sungkitin ang t (WBO) super flyweight crown Miyerkoles ng gabi sa Chiba City, Japan.

Si Ioka ang kauna-unahang Japanese boxer na nakasikwat ng apat na titulo sa magkakaibang division, kabilang rito ang minimumweight, light flyweight, at flyweight categories.

Magandang simula ang pimamalas ni Palicte nang dominahin nito si Ioka gamit ang jab-straight combo pero nag-iba ang istorya ng 7th round kung saan napuruhan ito sa walang humpay na uppercuts mula kay Ioka.

Nagsimula nang magmintis ang mga suntok ni Palicte pagdating ng 8th kaya’t nagkaroon ng pagkakataon si Ioka na muling bumira.

Nagsimula nang magpakilala si Ioka sa 9th round nang magsunod-sunod ang counterblows nito kontra Palicte hanggang isang malupit na kanang suntok sa mukha ang nagpahilo sa Pinoy challenger.

Dahil dito ay nagpasiya ang referee na si Kenny Chevalier na itigil na ang laban sa 1:15 ng round 10.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?