104

May 8, 2021 @ 13:13
By

Palengke sa Maguindanao nilusob ng BIFF

Nakasagupa ng militar ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos lusubin ang isang public market sa Datu Paglas, Maguindanao nitong Sabado ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. JP Baldomar, spokesperson ng Joint Task Force Central, nakabakbakan ng 6th Infantry Division ang mga galamay ng BIFF bandang alas-4 ng madaling-araw upang ma-takeover ang palengke sa highway sa Datu Paglas.

Walang naiulat na casualty sa panig ng militar habang wala pang impormasyon tungkol sa BIFF.

“Sa ngayon na-occupy na ng tropa ‘yong palengke sa Datu Paglas at na-evacuate na namin ‘yong mga residente. On-going po ang clearing operations natin sa highway kasi may mga iniwan silang IED [improvised explosive device],” ani Baldomar sa Manila Bulletin report.

“Open area kasi ito [Datu Paglas] so early morning maraming tao ang pumupunta diyan sa palengke para bumili ng pagkain because of Ramadan. Kaninang umaga pagdating ng mga mamimili, sinabayan sila ng armadong grupo,” dagdag niya. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?