18

Jun 20, 2020 @ 17:36

Palawan mangrove forest nanganganib mawala

Nanganganib na mawala ang ilang bahagi ng mangrove forest matapos putulin ang ilang mangrove trees at lagyan ng bahay sa Barangay Matahimik, Puerto Princesa City, Palawan.

Base sa Presidential Proclamation 2152, idineklara ang Puerto Princesa City, Palawan bilang mangrove and swamp forest reserve habang ang Presidential Decree 705 ay nagbabawal na putulin ang mga puno ng mangrove.

Dahil sa ginawang pagpuputol ng mga puno ng mangrove nanganganib na masira ang iba pang mangrove trees dahil hindi na ligtas para sa mga puno ang magkaroon ng kabahayan.

“Ito po ay mayroong demolition order at bawal ho sa mga kababayan ho natin na magtayo ng istraktura sa mangrove areas,” ayon kay Alex Hormoso, City Anti Squatting Division.

Nilinaw ni Hormoso na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng mga bahay sa lupang sakop ng mangrove forest na kung saan unti-unting sumisibol ang mga bahay na tinitirahan ng mga tao o informal settlers.

Agad na inaksyunan ng Puerto Princesa local government unit (LGU) ang nangyari at sinira ang mga bahay ng squatters. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?