202
Bong-Go
By

Palasyo: Walang sasantuhin sa imbestigasyon sa P60-M DOT ads

Sharing is caring!

Lahat umano ay iimbestigahan at walang pipiliin ang ipinag-utos na imbestigasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa P60 milyong advertisement ng Department of Tourism kung saan kasama rin sa iniimbestigahan umano si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Sinabi ni Special Assistant to the President Bong Go, inaalam na ng Pangulo ang buong istorya na bumabalot sa P60 million paid ads na ibinigay umano sa Bitag Media na pagmamay-ari ng kapatid ni Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo.

Ayon kay Secretary Go, lahat ng mga opisyal na may kinalaman sa isyu ay iimbestigahan batay sa report na inilabas ng Commission on Audit o COA.

Ang paid ads ay lumalabas umano sa government television na PTV 4, kung saan nasa ilalim ito ng PCOO na pinamumunuan ni Andanar.

“Tuloy ang investigation at no sacred cows. Inaalam namin ang buong story po. Lahat sila iimbestigahan,” ani Go.

Wala pa namang tugon hanggang ngayon si Andanar hinggil sa nabanggit na isyu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?