41
bello-aguirre
Apr 4, 2018 @ 14:57
By

Palasyo walang natatanggap na resignation letter nina Aguirre, Bello

Walang natatanggap ang Office of the President na resignation letter mula kina Justice Secretary Vitaliano Aguirre at Labor Secretary Silvestre Bello III.

Inihayag ito ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra matapos umikot sa social media ang umano’y resignation letter ng dalawang miyembro ng gabinete.

Ayon kay Guevarra, walang ipinapalabas na statement si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa resignation umano nina Bello at Aguirre matapos itong bumalik sa Metro Manila mula sa kanyang bakasyon sa Davao City noong panahon ng Semanta Santa.

Mayroong nakatakdang pulong ng gabinete ngayong hapon sa Palasyo at imbitado ang lahat kasama sina Aguirre at Bello.

“The Office of the President has not received any letter of resignation from either Secretary Bello and Secretary Aguirre. The President has just returned from his Holy Week visit to his hometown and he has not given any statement regarding this matter,” ani Guevarra.

Binigyang-diin ng opisyal na kuntento ang Pangulo sa trabaho ni Aguirre maliban lamang sa na-dismiss na kaso ng drug lord na si Kerwin Espinosa.

“The President has been generally satisfied with the performance of the Secretary of Justice, except for certain debacles that happened to the DOJ recently. The President did not hide his displeasure about certain developments pertaining to the war on drugs more especifically the dismissal of charges against certain high profile suspect,” dagdag pa ni Guevarra.

Wala ring nakikita ang opisyal na namunuong balasahan o rigodon sa hanay ng gabinete.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?