37
duterte-andanar

Palasyo: Walang Duterte dictatorship sa ilalim ng pederalismo

Sharing is caring!

Wala umanong balak na maging diktador si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling maipatupad ang federal system of government sa bansa.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, ilang beses na umanong sinabi ni Pangulong Duterte na iiwan niya ang posisyon kapag naging federal na ang bansa.

“The President said that once federalism is passed, he would resign. So what do we want? What assurance do we want?” ani Andanar sa state-owned dzRB.

Naniniwala umano siya na gagawin ng Pangulo ang sinabi nito na pag-resign kapag naimplementa ang pederalismo sa bansa dahil kita naman umano sa kilos nito.

Nagsimula ang pag-aalala ng mga mambabatas mula sa oposisyon ng pagkapit sa puwesto ni Pangulong Duterte pagkatapos ng kanyang termino sa 2022 sakaling maging federal ang gobyerno.

Nagbabala pa si Senador Francis Pangilinan, na sa ilalim ng pederalismo, mabibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na maggawa ng batas tulad ng noo’y Amendment No. 6 ni yumaong pangulong Ferdinand Marcos, kung saan naging one-man ruler ang huli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?