By

Palasyo: Wala kaming ‘keyboard army’

Sharing is caring!

Pinabulaanan ng Malacañang ang ulat na mayroong “keyboard army” o mga trolls para ipagtanggol ang gobyerno at atakehin ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi kahapon ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na ang mayroon ang Presidente ay ang 16 milyong sumuporta at bumoto sa kanya noong nakalipas na pampanguluhang eleksiyon.

Ang 16 milyong botante ang magsisilbing tagapagtanggol ng Pangulo dahil simusuportahan ng mga ito ang mga isinusulong na pagbabago sa bansa.

Kasanay nito sinabi ni Andanar na interesado siya kung paano ginawa at kung ano ang impormasyong nakuha ng Freedom House para sabihing mayroong keyboard army ang Duterte administration.

” The Presidential Communications Operations Office does not employ a “keyboard army”. What President Duterte has are millions of supporters, 16 million of which turned up at polling precincts throughout the land,” ang pahayag ni Andanar.

Ang Freedom House ay isang human rights watchdog na nakabase sa Amerika.

Ang keyboard army kinabibilangan ng mga trolls, commenters at fake news sites na binabayaran umano ng gobyerno para palitawing suportado ng mayorya ng mga Pilipino ang anti-drug war ni Pangulong Duterte, at binabayaran umano ang mga ito. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?