10

By

Palasyo, tiwalang maibabalik ni Abas ang kredibilidad ng Comelec

Sharing is caring!

Ikinalugod ng Malacañang ang pagkakalusot sa Commission on Appointments (CA) ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sheriff Abas.

Ito ay matapos walang kahirap-hirap na nakuha ni Abas ang kanyang kumpirmasyon bilang Comelec chairman sa makapangyarihang komisyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tiwala ang Palasyo na magagampanan ni Chairman Abas ang kanyang bagong tungkulin nang may integridad at kapabilidad para maibalik ang tiwala ng mga botante.

“We welcome the confirmation of the appointment of Commissioner Sheriff M. Abas as the new Commission on Elections Chairperson.

“We are confident that Chairperson Abas would carry out his duties with integrity, excellence and competence to regain public trust in the electoral body,” ani Roque.

Matatandaang nagkaroon ng pagdududa sa kredibilidad ng Comelec matapos malagay sa kontrobersiya ang dating chairman ng komisyon na si Andres Bautista, pati na rin ang bintang na nagkaroon ng dayaan sa boto ng mga kandidato sa vice presidentiables noong 2016 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?