53

By

Palasyo, tiwalang lulusot ang Tax Reform Bill bago matapos ang 2017

Sharing is caring!

Kumpiyansa ang Malacañang na lulusot sa Senado ang Tax Reform Bill bago matapos ang Disyembre 2017 na inaasahang mag-aakyat ng dagdag na P148 bilyon sa kaban ng bayan.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, naniniwala silang walang magiging sagabal sa Senado ang paglusot ng panukalang reporma sa buwis.

Batid aniya ng mga senador na nakasalalay sa tax reform ang malalaking infrastruture projects na nais ipatupad ng Duterte administration sa ilalim ng “Build, Build, Build” project.

“Alam naman po ng ating mga senador at ‘yan po ay nag-aantay na lamang ng aksiyon ng Senado na ‘yung ating “Build, Build, Build” program po ay nakasalalay dito sa tax reform bill na ito. So naniniwala po ako na hindi naman matatapos ang taon na hindi maipapasa ‘yan ng Senado,” ang pahayag ni Roque.

Ang tax reform bill ay isa sa mga sinertipikahang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte at suportado ito ng ilang business groups, kabilang na ang American Chamber of Commerce of the Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?