75

By

Palasyo tinawanan lang ang pagkatakot ni Trillanes na lumabas ng Senado

Sharing is caring!

Tila nakiliti lamang ng Malacañang ang patuloy na pagkatakot ni Senador Antonito Trillanes IV na baka maaresto sakaling magpasya na itong lumabas ng Senado at umuwi sa kanilang tahanan.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na gumagawa lamang ng sariling multo ang senador kaya pati anino nito ay kinatakutan.

Ayon sa kalihim, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabing hindi siya interesadong arestuhin ang senador kahit pa nakalagay sa inisyung Proclamation 572 na arestuhin ito at ibalik sa kanyang detention sa Kampo Aguinaldo.

“Ang problema kasi sa kanila, lumilikha sila ng multo na kinakatakutan nila. They created [tumatawa]… they created that. It’s all their imagination,” ani Panelo.

Hindi interesado si Secretary Panelo na alamin kung sino ang in-charge o kung sino ang nag-utos sa arresting team na magbantay sa Senado dahil kung talagang gustong arestuhin si Trillanes ay sana ginawa na noong unang araw pa lamang na nailabas ang proklamasyon.

“Hindi na kailangan iyon, alam na nila—alam mo iyong mga whoever is in charge there, alam niya ang gagawin niya.

Hindi ko nga alam kung totoo iyong claim nila o hindi – wala namang pruweba na mayroon. It’s only an allegation,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?