67

Apr 25, 2021 @ 13:24
By

Palasyo ’tila pugot na manok’ sa WPS – Carpio

Parang manok na pugot ang ulo umano ang Palasyo sa usapin ng West Philippine Sea, dahil sa magkakaibang tindig ng mga opisyal nito sa iisang paksa.

Dahil dito ay malilito umano ang tambayan, ang mga tagasuporta, at mga kaalyado ng bansa sa paniniwalaan nila.

“The Palace is running like a headless chicken when it comes to the West Philippine Sea [issue],” ani retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa Inquirer, Sabado.

“The Palace has conflicting positions on the fishing agreement. Changing positions confuse all our people, supporters and allies. The adversary will exploit such confusion,” babala niya pa.

Noong Biyernes, giniit ni presidential spokesperson Harry Roque na “haka-haka” lang ang verbal fishing agreement nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Ito’y kahit pa si Duterte na mismo ang naglahad noong 2019 SONA niya tungkol sa kasunduan nila ni Xi na pinasok niya noong 2016 at pumapayag magamit ng mangingisdang Tsino ang katubigan ng Pilipinas.

Sinabi pa noon ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo na “valid at binding” ang kasunduan “kahit pa verbal ito, basta may mutual consent mula sa dalawang panig.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?