17

Oct 26, 2020 @ 21:58
By

Palasyo: Swab test libre sa OFW

Nananatiling libre ang swab testing para sa mga OFW, ayon sa Malacañang.

Kasunod iyon ng mga ulat na ilang Pilipino na dumarating sa Pilipinas mula sa ibang bansa ang pinagbabayad ng P20,000 para mapabilis ang paglabas ng resulta ng kanilang COVID-19 test.

Siniguro ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sagot ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang halaga ng RT-PCR test ng lahat ng OFW.

“Libre ang mga OFW, ang magbabayad po niyan OWWA,” lahad ni Roque sa press briefing sa Palasyo.

Aniya, ire-reimburse sa PhilHealth ang lahat ng test na isinagawa sa mga OFW.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?