18

By

Palasyo: Survey ng SWS, laging mababa sa taga-gobyerno

Sharing is caring!

Hindi na ipinagtaka ng Malacañang ang mababang marka ng mga gabinete sa inilabas na resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na kapag ang mga taga-gobyerno ang sini-survey ng SWS ay laging mababa ang markang inilalabas ng survey firm.

Pero magkagayunman, sinabi ni Roque na sisikapin nilang mapaganda ang paghahatid ng serbisyo sa mga darating na araw.

“I note that in the SWS, virtually everyone in government got lower scores. But we will try better in the coming days. This will probably be included in the next agenda meeting on ways and means to communicate better the achievements of the Cabinet,” ani Roque.

“Of course, the Cabinet will take note of this survey, we will strive to improve the delivery of services,” dagdag pa nito.

Batay sa survey na inilabas ng SWS, bumaba ang net satisfaction rating ng mga miyembro ng gabinete na mula 28 ay naging 25. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?