15

Jul 24, 2020 @ 14:51
By

Palasyo sisilipin katiwalian sa PhilHealth

Inutos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na maimbestigahan ang anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) matapos na magbitiw sa pwesto ang tatlong opisyal dahil sa umano’y korapsyon.

Tinalaga ng Pangulo kay Undersecretary Jesus Melchor Quitain ng Office of the Special Assistant to the President na bungkalin ang katiwalian sa nasabin ahensya.

Ito’y matapos na lumabas ang resignation letter ni Atty. Thornsson Montes Keith, ang anti-fraud legal officer ng PhilHealth kung saan nakalakip dito na hindi na niya kinakaya ang katiwalian sa ahensya.

Dagdag pa rito na hindi na ibinigay ang kanyang suweldo at hazard pay nang magsimulang mag-imbestiga sa ilang opisyal na umano’y sangkot sa korapsyon.

“We view the allegations of Mr. Keith a serious matter and therefore enjoin him, and other officials, to cooperate with the ongoing investigation,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Magkakasa din ang Senado ng imbestigasyon sa health insurance agency kung saan magpapasa ng resolusyon si Senador Panfilo Lacson sa Senate Committee of the Whole inquiry para mapatawag ang mga opisyal ng PhilHealth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?