128
carlito-galves
Apr 5, 2018 @ 20:39
By

Palasyo: Galvez, susunod na AFP chief

Pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte si Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Carlito Galvez bilang susunod na Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Huwebes, papalitan ni Galvez si AFP Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero, na magreretiro sa Abril 24.

Nauna nang inanunsiyo ng Pangulo na itatalaga si Guerrero bilang administrador ng Maritime Industry Authority (Marina) matapos nitong magretiro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?