48

Jan 22, 2019 @ 18:51
By

Palasyo sa UN Rapporteur: Pinakikinggan mo lang oposisyon

Sinupalpal ng Malacañang si United Nations (UN) Special Rapporteur Agnes Callamard dahil sa pakikialam nigo sa mga panloob na isyu ng bansa.

Partikular nitong sinasawsawan ang isinusulong na panukalang batas sa Kongreso na gawing siyam na taon ang minimum na edad ng mga makukulong na nagkasala sa batas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakakahiya ang pag-iingay ni Callamard dahil nanghihimasok siya sa isyung hindi naman nito dapat na pakialaman.

Kung tutuusin ay dapat sa mga mambabatas iparating ni Callamard ang kanyang posisyon sa panukalang batas at hindi sa Malacañang.

Sinabi pa ng kalihim na kung babasahin lang ni Callamard ang panukalang batas at iintindihin niya ito ay baka magbago ang pananaw hinggil sa isyu.

Ang problema aniya sa UN official ay nakikinig lamang ito sa oposisyon sa halip na mag-research at pag-aralan ang panukalang batas.

“Eh kasi ang problema , pinakikinggan lang nila ‘yung oposisyon , eh hindi sila objective. Like for instance, I don’t think they have read the law. Yan ang problema if you listen to the opposition, to the critics, detractors, they cannot say anything good, o eh ‘di biased ka na agad, ” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?