50

Oct 6, 2017 @ 15:24

Palasyo sa Simbahan: Ingat sa pagkanlong sa pulis

Pinag-iingat  ng Malacanang  ang  simbahan sa  pagkanlong  sa  mga  tiwaling  pulis na  lalapit  sa  kanila at  hihingi  ng  proteksiyon kapalit  ng  umano’y  nalalaman  nila sa  extra  judicial killings.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, bukas  sila sa hakbang  ng  simbahan na tulungan ang mga tiwaling  pulis  at  maitama  ang  mga  pagkakamali  subalit  kailangan ding  mag-ingat.

Dapat  aniyang  salain  ng  simbahan ang mga  hihingi ng  tulong sa  kanila   na  mga  pulis  dahil baka  magamit  ang  mga ito sa  layuning  sirain ang kampanya  ng  gobyerno kontra  illegal na  droga.

Karamihan sa  mga  tiwaling  pulis  ay kidnappers, kotong  at  ninja  cops  at protector  ng  illegal drug trade  sa  bansa.

“We welcome the efforts of the Church to help these rogue cops to mend their ways. However, we hope the Church exercises due diligence as there are drug protectors, kidnappers, kotong and ninja cops who want to destroy the ongoing campaign against illegal drugs; furthermore we urge a certain objectivity to avoid being used by said aberrations,” ang  pahayag ni Abella.

Isa  ang  simbahan sa  mga  grupong  tumutuligsa sa  anti-drug  campaign  ng  pamahalaan dahil sa  paniwalang  ito ang  dahilan  ng  extra  judicial killings  sa  bansa na ang  kalimitang  biktima  ay  mga  mahihirap  na  Filipino. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?