9

Aug 5, 2021 @ 17:31
By

Palasyo sa publiko: Mag-family lockdown

Nanawagan ang Malacañang sa mga pinuno ng pamilya na simulan sa kanilang mga tahanan ang “family lockdown” para magtagumpay ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na batid ng Palasyo na mahirap, masakit at magastos ang 15 araw na lockdown subalit kailangang magsakripisyo para hindi masalanta ang Metro Manila ng Delta COVID variant.

“Ang aking panawagan po, huwag na nating iasa sa gobyerno ang pagpapatupad ng ECQ. Lahat po ng hepe ng pamilya, mag-declare na po kayo ng lockdown, walang lalabas sa tahanan para mapangalagaan po ang kalusugan ng lahat,” ani Roque.

Kapag aniya sinimulan sa mga tahanan ang lockdown, siguradong hindi mahihirapan ang gobyerno.

Sinabi ng kalihim na kapag hindi sineryoso ng mga taga-Metro Manila ang ECQ ay mahigit kalahating milyon ang magiging COVID case sa huling buwan ng Setyembre at hindi sapat ang mga ospital para alagaan lahat ang mga magkakasakit mula sa Delta variant.

“Kapag hindi po natin ito ginawa, 525,000 cases by the end of September ang posibleng magkaroon tayo ‘no. Eh wala tayong sapat na ospital para alagaan iyong mga seryoso at kritikal na magkakasakit out of the 525,000,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?