60

Dec 4, 2017 @ 14:14
By

Palasyo sa publiko: Kalma lang sa dengue vaccine

Kinalma ng Malacañang at Department of Health ang publiko kaugnay sa kontrobersiyal na dengue vaccine ng kumpanyang Sanofi Pasteur.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na taliwas sa pinangangambahan, walang masamang epekto ang vaccine na Dengvaxia kaya’t hindi dapat na mag-panic ang mga magulang.

Batay aniya sa bagong pag-aaral ng Sanofi, epektibo ang vaccine sa mga nagkaroon na ng dengue dahil may proteksiyon na sila mula sa panibagong pag-atake .

“The hood news is people should not panic about the dengue vaccine. There is no danger with the dengue vaccine. What Sanofi revelead is that new studies indicate that those who already had contact with dengue — and that’s 9 out of 10 Filipinos –the dengue vaccine is in fact very effective in protecting the patient from another dengue attack,” ang pahayag ni Roque.

Sinabi naman ni Health Assistant secretary Lyndon Lee Suy, lumaki na ang isyu at hindi na natuon sa isyu ng bakuna ng Dengvaxia.

Ipinaliwanag ni Suy sa kanyang pagharap sa press briefing sa Malacañang na maliit na porsiyento lamang ang posibilidad na magkaroon ng “severe dengue” dahil isa lamang mula sa sampung nabakunahan ang hindi pa dinapuan ng dengue.

“Its amongst those recipient ng dengue vaccine na hindi pa nagkaka-dengue. We do not have any problem at all with those recipients na nagka-dengue na before at nabakunahan na. Out na sila sa issue na ito.

You may develop. You maybe at risk. But not saying that those one out of 10 wpuld eventually develop severe dengue, paano natin lalabanan yun? Balik tayo sa basic natin, we have to have a good immune system, resistance level kasi infection pa rin ito,” ang paliwanag ni Dr Suy. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?