45
trillanes
By

Palasyo sa plano ni Trillanes na ipetisyon ang ICC withdrawal: ‘Good luck’

Sharing is caring!

Walang nakikitang legal na basehan ang Malacañang sa naisin ni Senador Antonio Trillanes IV na maghain ng petisyon sa Supreme Court para kuwestiyunin ang pag-withdraw ng gobyerno sa membership sa Rome Statute na nagtatag sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang Pangulo ang arkitekto ng foreign policy at hindi ito madadaan sa pagsasampa ng certiorari.

“Good luck to them. I do not think there’s any legal basis. The President remains the chief architect of foreign policy and this is not a matter that can be cured by certiorari. Kasi pag certiorari, kinakailangang may grave abuse of discretion amounting to lack or excessive jurisdiction and you cannot allege that on matters of foreign affairs because the court will always refer to the executive on matters of foreign affairs. Itaga n’yo sa bato ‘yan,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na marami na rin siyang naisampang petisyon sa Korte Suprema na may kinalaman sa isyu sa Foreign Affairs na palaging nababasura.

“Ang dami ko na naisampa sa Korte Suprema pagdating sa larangan ng foreign affairs at palagi po ‘yan nababasura, siguro tatlo o apat na ‘yang nai-file ko, palagi ang sabi ng SC the executive remains the chief architect of foreign policy and cannot be subject of certiorari,” dagdag pa ni Roque.

Nauna rito iginiit ni Trillanes na walang bisa ang pag-withdraw ng gobyerno sa Roman Statute dahil kailangan aniya ang ratipikasyon ng Senado para makalabas sa pinasok na tratado kaya kukuwestiyunin niya ang naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kataas-taasang Hukuman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?