By

Palasyo sa oposisyon: Basa-basa din pag may time

Sharing is caring!

Pinayuhan ng Malacanang ang oposisyon at mga kritiko na bumabatikos sa katatapos na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit na magbasa- basa rin para hindi magmukhang tanga sa mga naging kaganapan at sa mga sunod-sunod na pulong sa loob ng nakalipas na dalawang araw.

Kasunod ito ng pahayag ng oposisyon na wala namang mahalagang napag-usapan at napagkasunduan sa katatapos na ASEAN summit, bagkus ay puro “papogi” lamang umano ang nangyari .

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi alam ng mga kritiko ang nangyari sa mga pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga closed door meetings kayat gumagawa na lamang ang mga kritiko ng mga kuwento.

Binigyang-diin ni Roque na hindi pagpapapogi ang mga ginawang pagtalakay para maresolba ang problema sa Korean Peninsula partikular ang nuclear program ng North Korea.

Hindi rin aniya pagpapapogi lang ang pagtalakay ng mga state leaders para labanan ang terorismo kaya dapat magbasa-basa muna ang oposisyon bago magkomento.

“Obviously they did not know what happened beyond closed doors. I can assure you that the threat of nuclear annihilation is not a matter of pageantry. The need for peace and stability in the South China Sea is not a matter of pageantry. And, of course, the issue of terrorism, the fact that terrorism today knows no territorial boundaries is no pageantry,” sabi ni Roque.

“So I beg to disagree. And obviously, the opposition leaders who said this did not take time out to read the official accounts of how the Summit went through ‘no or the outputs of the Summit,” dagdag pa nito.

Kaugnay naman sa isyu ng human rights at extra judicial killings, sinabi ni Roque na nagkaroon ng mga pagtalakay sa isyu ng Rohingya ng Myanmar. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?