84

Oct 17, 2017 @ 17:17

Palasyo sa natitirang terorista sa Marawi: Sumuko na kayo!

Hinikayat ng Malacanang ang mga natitirang terorista sa Marawi City na sumuko na lamang sa mga awtoridad matapos mapatay ang kanilang dalawang lider na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Sinabi kahapon ni Presidential spokesman Ernesto Abella, mas makabubuting itigil na ng mga naiiwang mga terorista ang pakikipaglaban para magkaroon na ng kapayapaan sa Marawi City at maisulong ang muling pagbangon ng lungsod.

Ayon kay Abella, nakabantay na ang militar sa iba pang lugar sa Mindanao na posibleng pagmulan ng panibagong pag-atake ng mga symphatizers ng mga terorista, pati na rin ang posibleng natitirang galamay ng mga ito.

“With terrorist leaders gone, we call on all fighters to cease further resistance and violence and return to the road of peace. This is also the call of our Muslim leaders, our imams, ARMM, MNLF, MILF chiefs, and the leaders of Muslim nations and this is the plea of your families, friends, and communities,” ang pahayag ni Abella.

Sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines spokesman Major General Restituto Padilla sa Mindanao Hour sa Malacanang na mayroon pang natitirang 20-30 nga mga terorista sa Marawi City kabilang na dito ang walong dayuhan.

Target aniya ngayon ng kanilang tropa ang pagtugis sa Malaysian na si Mahmud Ahmad na pinaniniwalaang nagpondo sa pag-atake sa Marawi City at nakapagpadala ng tinatatayang US$300,000 hanggang US$600,000.

“There also is still in existence about 20 to 30 armed elements, strugglers if you may call them of the groups. And among these are about six to eight foreigners, foreign terrorists to include the notorious foreign national, Malaysian, by the name of Dr. Mahmud who was the financier of the Marawi siege. Dr. Mahmud remains to be one of our high-value targets in the operations still being conducted,” sabi ni Padilla. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?