29

Sep 13, 2021 @ 19:07
By

Palasyo sa nagbibitiw na doktor, nurse: Marami tayong bagong graduate

Kumpiyansa ang Malacañang na mapupunan ng mga bagong nagsipagtapos sa medisina ang kakulangan sa doktor at nurse ng Philippine General Hospital.

Kasunod ito ng pagbibitiw ng 10 volunteer doctor at ilang nurse sa PGH habang nasa kasagsagan ang bansa sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na patuloy ang pagtanggap ng Department of Health (DOH) ng mga bagong aplikante para sa posisyon ng medical professionals at volunteer doctors.

“Patuloy po ang recruitment ng ating DOH para sa mga medical professionals na either volunteer o magsusuweldo po,” ani Roque.

Naniniwala ang kalihim na hindi mauubusan ng mga doktor sa mga ospital ng gobyerno dahil tuloy-tuloy naman ang examination para sa mga bagong doktor.

“Pagdating naman sa mga doktor, ginagawa natin ang lahat para magsipagtapos iyong ating mga doktor at magkaroon ng examination para hindi na po tayo maubusan ng mga doktor,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?