10

Dec 1, 2020 @ 17:30
By

Palasyo sa mga party-list: Iwasan ang karahasan

Isa lamang ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ng party-list group na nakikipagsabwatan umano sa kilusang komunista.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang kailangan lang gawin ng party-list group ay talikuran ang karahasan at tumiwalag sa kilusang pinamumunuan ni Jose Maria Sison.

Hindi aniya makatwirang pumapatay ng kapwa Pilipino ang mga komunista at makipagsabwatan para pabagsakin ang gobyerno.

“Ang hinihingi ng Presidente renounce it kasi hindi po tama na Pilipino pumapatay ng kapwa Pilipino,” ani Roque.

Sa regular na mensahe sa bayan ni Pangulong Duterte, hayagan nitong tinukoy na mga komunista ang partylist group kung saan special mention nito si Congressman Carlos Zarate.

Binigyang-diin ni Roque na hindi uubrang kasuhan ang mga ito ng grand conspiracy dahil nade-criminalize na aniya ito noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Hindi aniya nito maintindihan ang mga progresibong kongresista dahil nanalo na ang mga ito sa eleksiyon peri hindi magawang tumiwalag at tumalikod sa karahasang inihahasik ng kilusang komunista.(Aileen Taliping)#

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?