16
manny-pacman-pacquiao
Sep 14, 2021 @ 16:47
By

Palasyo sa mga banat ni Pacquiao: Eleksyon na kasi

Hindi na ipinagtaka ng Malacañang ang mga banat ni Senador Manny Pacquiao kaugnay sa ginagawang pagtugon ng gobyerno sa problema sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na panahon na ng politika at kailangang mapag-usapan kaya bumabanat na sa gobyerno ang senador.

“Hindi po ako nagtataka na yan ang kanyang pakiramdam dahil panahon na po ng politika,” ani Roque.

Sinabi ni Pacquiao na sa tingin niya ay hindi naresolba ang pandemya bagkus ay lalong lumala pa ito dahil tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi naman ni Roque na ang Delta variant ang problema ngayon sa pandemya dahil mas matindi ang tama nito sa mga tao kahit madaanan lang ang mga ito ng mayroong COVID-19.

“Ang problema si Delta variant — 5 to 8 times more infectious than iyong mas infectious pa na variant. So talagang dadami po ang kaso dahil ito ay dadaan ka lang eh puwede ka nang mahawa,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?