8

By

Palasyo sa empleyadong hindi nire-regular: Isumbong n’yo sa DOLE

Sharing is caring!

Hinimok ng Malacañang ang publiko na i-report sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kumpanyang hindi pa rin nagre-regular ng kanilang mga empleyado.

Sa harap ito ng ginagawang paghihigpit ng gobyerno sa mga kumpanyang patuloy pa rin na nagpapatupad ng “endo” o end of contract sa kanilang mga tauhan.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Marie Rafael Banaag, mahalaga ang tulong at kooperasyon ng publiko para matukoy ang mga kumpanyang hindi sumusunod sa kautusan ng gobyerno.

Hindi aniya kaya lahat ng DOLE ang paghabol sa mga mandarayang kumpanya kaya malaking bagay kung makipagtulungan ang publiko.

“I-report natin sa DOLE, kasi hindi natin kaya; hindi kaya ng gobyerno lang na gawin ito,” ani Banaag.

Kung nasa restaurant o salon ay mainam aniya na tanungin kung regular na ang waiters at waitress o kaya naman ay mga beauty attendant para makatulong sa mga ito na mabigyan ng seguridad sa kanilang trabaho.

Kabilang sa mga hindi nagre-regular ng mga manggagawa ay yaong mga may negosyong spa, health and wellnes at mga tindera sa mga shopping mall sa Divisoria at Baclaran. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?