764
roque
By

Palasyo sa drug smugglers: Hindi namin kayo tatantanan!

Sharing is caring!

Nararamdaman na umano ng mga drug syndicates ang pressure sa kampanya ng gobyerno kaya kahit delikado ay naglakas-loob na ipuslit ang mahigit P7 bilyong halaga ng shabu.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng nakalusot na isang tonelada ng shabu mula sa Taiwan na inilagay sa magnetic lifters subalit natagpuang wala ng laman sa General Mariano Alvarez ,Cavite.

Sinabi ni Roque na nakikipag-ugnayan na ang mga otoridad sa kanilang foreign counterparts kaugnay sa ginagawang imbestigasyon.

Tiniyak ni Roque na hindi titigil ang mga otoridad para maaresto at mapanagot ang mga nasa likod ng malaking drug shipment.

“We view the latest reported foreign drug shipment as a sign that big-timer drug manufacturers and smugglers are becoming bolder with a dwindled local supply as they feel the pressure from the government’s campaign against illegal drugs.

Our authorities are now working with their foreign counterparts to help with the probe,” ani Roque.

Hindi naman masabi ng kalihim kung ano ang naging reaksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panibagong malaking halaga ng shabu na nakapuslit sa mahigpit na pagbabantay ng Bureau of Customs.

Matatandaang noong 2016 ay ilang container vans ng shabu ang naipuslit din sa BOC ng hindi man lang natunugan ng mga opisyal at tauhan ng ahensiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?