198

Aug 8, 2019 @ 15:53

Palasyo sa DOH: Agapan ang paglaganap ng dengue

Inatasan ng Malacañang ang Department of Health (DOH) na agapan ang paglaganap ng sakit na dengue at iligtas ang mga pasyenteng kinapitan ng sakit.

Kasunod na rin ito nang idineklara ng DOH na mayroong epidemya ng sakit na dengue sa buong bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mahalagang magamot kaagad ang mga pasyente dahil sa posibleng peligro kapag hindi naagapan sa kanilang pagkakasakit.

Dahil sa epidemya, sinabi ni Panelo na posibleng hindi sasapat ang mga doktor sa mga pagamutan dahil sa pagdagsa ng mga pasyenteng may dengue.

“That is the direction. We have to treat the patients because there is an epidemic. If you are sick of dengue, you have to be treated. Our problem might be that, there might be not enough doctors in the hospitals if they are deluged with patients suffering from the same,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na kuntento ang Malacañang sa aksiyong ginagawa ng DOH dahil ginagampanan naman aniya ng mga ito ang kanilang trabaho para gamutin ang mga nagkakasakit ng dengue.

“The DOH is doing its job. They are performing what is to be done. The cure of a national epidemic is to treat the patients,” dagdag pa ni Panelo.

Hindi na aniya kailangang magpalabas ang gobyerno ng special funds para sa dengue epidemic dahil mayroong sapat na pondo ang DOH. (aileen taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?