231
sisterfox
Jul 19, 2018 @ 21:01
By

Palasyo sa deportasyon ni Sister Fox: ‘Harsh but it is the law’

Muling pinatunayan na walang mas nakakahigit sa batas matapos ipag-utos ng Bureau of Immigration (BI) ang deportasyon ni Australian missionary Sister Patricia Fox.

Maiksi lang ang naging pahayag ng Malacañang matapos mabatid ang desisyon ng BI na ipa-deport si Sister Fox dahil sa pakikilahok nito sa political activities sa bansa.

“That’s the law. Dura lex sed lex,” ang maiksing mensahe ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Bagama’t pinagbigyan ng Department of Justice ang kahilingan ni Fox na i-review ang kanyang kaso at binaligtad ang desisyon ng BI na bawiin ang visa nito, naglabas ng resolusyon ang BI na nagsasabing undesirable alien ang Australian missionary.

Dahil nilabag ni Fox ang limitasyon at mga kondisyon sa kanyang visa, iniutos ng BI na ipa-deport ito at isama ang pangalan sa blacklist, at hindi papayagang makapasok muli sa Pilipinas.

Matatandaang itinanggi ni Fox na sumali ito sa mga rally ng mga aktibista pero naglabas ang Malacañang ng mga kuhang larawan nito habang nagsasalita sa harapan ng mga welgista sa Davao City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?