26

Oct 25, 2017 @ 14:39

Palasyo sa AFP: Tugisin ang Maute supporters

Pinatutugis na ng gobyerno ang natitirang supporters ng Maute terror group para makasigurong wala ng lulutang na mga bagong grupong posibleng maghasik ng karahasan sa bansa.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kahit tapos na ang giyera sa Marawi City, may iilan pang supporter ng terror group na nagtatago sa ngayon.

Kamakalawa ay nasakote ng mga awtoridad ang pinaniniwalang isa sa mga financier ng Maute group na si Aminkisa Romato Macadato, at kasama sa listahan ng Martial Law Arrest Order ng Department of National Defense.

Hiniling ng Palasyo sa publiko na manatiling alerto at makipagtulungan sa mga pulis at sundalo para masukol ang mga natitirang terorista at iba pang armadong grupo na banta sa kaayusan at kapayaan sa mga komunidad.

“We ask our people to continuously remain vigilant in their respective areas and cooperate with police and soldiers to hunt down all remaining terrorists and other lawless elements who are out to destroy the peace prevailing in our communities,” ang pahayag ni Abella.

Batay sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP), may mga ilang armadong grupo pa rin sa Mindanao na nananatiling banta sa kaayusan at kapayapaan sa rehiyon. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?