87

By

Palasyo pumalag sa ‘political swindler’ tag ni Joma kay Duterte

Sharing is caring!

Umalma ang Malacañang sa pagtawag ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison kay Pangulong Rodrigo Duterte na isang ‘political swindler’.

“That’s really foul. I will not even dignify the name calling. Kung political swindler siya bakit ang daming botong ibinigay sa kanila sa Davao?” reaksiyon ni Presidential Spokesman Harry Roque.

“Kung political swindler siya bakit inappoint sa gabinete ang ilang leftist? Kung political swindler siya bakit di siya nag-all out war ,eh matapos ang eleksiyon popular na popular ang Presidente?” dagdag pa nito.

Hanggang ngayon nga, ani Roque, ay itinigil lang ang peace talks, gayong maari namang magdeklara ng Pangulo ng all out war pero hindi ginawa dahil isinaalang-alang ng Pangulo ang social justice.

Sinabi pa ni Roque na ang pakiramdam ng Pangulo ay trinaydor siya ng mga komunista dahil habang nag-uusap usap sa negotiating table sa Norway ay panay panay naman ang opensiba ng New Peoples Army sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?