103
harry-roque2
By

Palasyo pumalag sa bintang ng mga obispo vs Duterte

Sharing is caring!

Umalma ang Malacañang sa akusasyon ng ilang obispo na ang mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahan ang nag-udyok sa pagpatay sa ilang pari.

Kasunod na rin ito ng tatlong magkakasunod na pagpatay sa mga pari sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kahit kailan ay hindi nagsulsol ang Pangulo kaya hindi dapat isisi sa kanya ang pagkamatay ng tatlong pari.

Wala aniya siyang matandaang nagsalita si Pangulong Duterte para udyukan ang mga masasamang-loob na pumatay ng mga pari.

“No. He has never incited these killings,” ang maiksing pahayag ni Roque.

Matatandaang sa loob lamang ng maikling panahon ay tatlong alagad ng simbahan ang nilikida ng mga hindi nakikilalang salarin.

Unang pinatay na pari si Father Mark Ventura, sumunod si Father Tito Paez at nito lamang nakalipas na ilang araw ay pinatay din si Father Richmond Nilo.

Matatandaang naging mainit ang Pangulo sa mga kritiko ng kanyang anti-drug war, kasama na ang Simbahan, kaya bumanat ito at iniladlad ang mga baho umano ng ilang pari at obispo sa pamamagitan ng librong may pamagat na “Altar of Secrets”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?