15
data-breach
By

Palasyo pinakalma ang publiko sa Facebook data breach

Sharing is caring!

Pinawi ng Malacañang ang agam-agam ng milyon milyong Filipino sa posibilidad na nanakaw ang kanilang mga impormasyon sa Facebook kasunod ng nabunyag na data breach sa nabanggit na social media site.

Ito ay matapos aminin mismo ng Facebook founder Mark Zuckerberg na 87 million facebook users ang naapektuhan ng data breach, kabilang na dito ang isang milyong pilipino.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mayroong batas ang Pilipinas para protektahan ang mahahalagang impormasyon ng mga pilipino.

Ayon kay Roque, ang Privacy Act ang panlaban ng gobyerno laban sa data breach.

Binigyang-diin ng tagapagsalita ng Palasyo na hindi sa Pilipinas nangyari ang data breach ng isang milyong pilipino na umano’y kagagawan ng Cambridge Analytica, isang PR survey firm.

“We have our domestic law, privacy act and we will enforce that. Now the data breach as far as we know did not occur in the Philippines,” ani Roque.

Sinabi pa ng kalihim na unang nasampulan ng data breach ay si dating Commission on Elections Chairman Andres Bautista matapos manakaw ang impormasyon ng mga botante, patunay aniya na seryoso ang pamahalaan na proteksiyonan ang mahahalagang impormasyon ng mamamayan.

“We have taken steps as you know, no less than the former Chairman of Commission on Elections has a pending case now for breach of privacy act, for not safeguarding the data of voters in the Philippines. So we take privacy very seriously in the Philippines,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?