74
2 Mapagkalinga Centers, ipatatayo ng PCSO sa Mindanao
Jul 29, 2019 @ 23:51
By

Palasyo: Permanent closure ng PCSO games, nakasalalay kay Duterte

Nasa mga kamay umano ni Pangulong Rodrigo Duterte kung permanente nang ipatitigil ang games na nasa ilalim ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa kabila nito, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, na makukuha naman ang kita na galing ng PCSO sa iba pang source gaya ng Philippine Amusement and Gaming Corp.

Ang mga pondo umano sa health projects at Universal Health Care Law ay pwedeng magmula sa PAGCOR at Office of the President.

Kaugnay nito, pinagtanggol ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ang hakbang ng Pangulo na ipasara ang mga games ng PCSO dahil may awtoridad aniya ito.

Hindi rin umano nalabag dito ang license ng private operators.

“A gaming license is not a contractual right, but a mere privilege that may be revoked at any time by the state. The President has the authority to order the suspension, even the termination, of PCSO-licensed gaming operations upon prima facie proof that licensees are not faithfully complying with their legal obligation to remit the correct amount of the government’s share in revenues, or that their operations are tainted by fraud, deceit, or corruption,” paliwanag ni Guevarra. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?