85
Palasyo: Pagtanggap ni Pangilinan sa pagkatalo, kapuri-puri
May 21, 2019 @ 14:10
By

Palasyo: Pagtanggap ni Pangilinan sa pagkatalo, kapuri-puri

Pinuri ng Malacañang ang pagbibitiw ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan bilang Presidente ng Liberal Party (LP) matapos walang ni isang nanalo sa mga kandidato ng Otso Diretso sa katatapos na midterm elections.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kapuri-puri ang ginawa ni Pangilinan dahil tinanggap nito ang pagkatalo ng kanilang partido sa eleksiyon.

Nagsalita na aniya ang taumbayan sa pamamagitan ng mga boto at hindi pinili ng mga botante ang kanilang mga kandidato.

“That’s commendable. He accepts defeat,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na hindi pinaniwalaan ng taumbayan ang Otso Diretso dahil ang banat nila ay nakatuon sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte sa halip na sa mga kandidato ng administrasyon, kaya ang resulta ay sila ang nagdusa sa katatapos na eleksiyon.

“Kaya natalo sila dahil ‘yung taumbayan ay hindi naniwala sa kanila, mas naniwala kay Presidente Duterte. They didn’t raised the issue against the candidates endorsed by the President or Mayor Sara but they concentrated and focused on the performance of the President, and the people simply repudiated on them,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?