45

By

Palasyo: Paglago ng ekonomiya ng 6.9%, good news!

Sharing is caring!

Nakikita na umano ang mga magagandang pagbabago sa bansa tulad ng paglago ng ekonomiya ng 6.9% sa third quarter ng taon.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na isa itong magandang balita para sa mga Pilipino dahil nae-enjoy na ang katatagan ng bansa.

Pumapangalawa na aniya ang Pilipinas sa Myanmar bilang “fastest economy in Southeast Asia” subalit ang bansa pa rin ang “best performing economy kumpara sa level ng ekonomiya ng Myanmar.

Sinabi pa ni Roque na nakuha ng Duterte administration ang kumpiyansa ng mga negosyante at mga investors dahil naipakita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ipinangako nitong pagbabago partikular sa paglaban sa korapsiyon, krimen at illegal na droga.

“That’s good news. In fact, it was Secretary Dominguez who informed me, they even adjusted the growth rate by .2 percent ‘no, which is very good news. That makes us the second fastest economy in Southeast Asia, next only to Myanmar ‘no, because Myanmar is hitting seven percent ‘no. But considering the level of our economy in comparison to Myanmar, I think, ours is still the best-performing economy, so far,” ang pahayag ni Roque.

Matatandaang iniutos ni Pangulong Duterte na gawing maluwag ang pagkuha ng mga dokumento sa mga nais mamuhunan sa bansa at binalaan ang mga opisyal at tauhan ng gobyerno na sisibakin ang mga ito kapag natuklasang binibitin-bitin ng mga ito ang pagpapalabas ng mga kailangang dokumento. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?