23

Jan 4, 2018 @ 9:57

Palasyo: Online trolls hindi pinopondohan ng gobyerno

Itinanggi ng Malacañang ang alegasyon na gumagamit ang gobyerno ng pondo para sa diumano’y online trolls.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang umanong budgetary line item ang pamahalaan para sa mga trolls sa social media.

Hindi rin umano ginagamit ng gobyerno ang social media para sa “partisan or political purposes.”

“We find trolls of this nature also on the other side of the political fence defending the prior administration, attacking this administration,” pahayag ni Roque sa isang press conference noong Miyerkules.

“No. Definitely not. If trolls are paid by the government, they wouldn’t have attacked me in the first place,” dagdag pa nito.

Ginawa ni Roque ang pahayag kasunod ng alegasyon ni Ari Melber ng MSNBC noong nagdaang linggo kung paano nagamit ni Duterte ang Facebook para manalo noong 2016 presidential elections.

Matapos umanong sumailalim ng briefing ng Facebook, agad na itinulak ng mga kaalyado nito ang paggawa ng mga face news at mga accounts para sa kanilang kampanya.

Isa na aniya sa mga fake news noon na lumabas ay ang pag-endorso kay Duterte ni Pope Francis na hindi naman talaga totoo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?