9

Jul 20, 2020 @ 17:29
By

Palasyo: Online sabong bawal pa

Hindi pa pinapayagan ang online sabong sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, kinakailangan na pumayag muna ang Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Disease bago magkaroon muli ng sabong na gagawin online.

“Kinakailangang ipagbigay-alam po iyan sa IATF. Ang naalala ko po sa IATF, diniskas na po ang sabong, hindi pa po pinapayagan,” saad ni Roque.

“Ang naging posisyon po ng DILG (Department of the Interior and Local Government), kung hindi ako nagkakamali, at base rin po sa minutes ay sabi nila kung walang audience at MGCQ (modified general community quarantne), baka pupuwede. Pero kinakailangan muna pong aprubahan iyan ng IATF. So iyong mga proponents po ng walang audience na sabong online, sumulat po kayo sa IATF,” aniya pa.

Sa ngayon ay hindi pa rin pinapayagan ang sabong at iba pang kabilang sa leisure industry sa kabila ng pagluluwag ng community quarantine sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?