240

Jul 19, 2021 @ 16:19
By

Palasyo nilinaw ‘sako-sakong pera’ remark ni Duterte

Nilinaw ng Malacañang na hindi pera ng gobyerno ang gagamitin para ikampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kapartido sa darating na eleksyon sa 2022.

Ito ang inihayag ng Palasyo matapos umani agad ng puna ang pahayag ng pangulo na personal niyang ikakampanya ang mga kapartido sa PDP-Laban at magdadala pa ito ng sako-sakong kuwarta para sa mga ito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mangangalap ng pondo ang presidente para sa kanyang kapartido at hindi ay hindi labag sa batas pang-halalan.

Batid aniya ni Pangulong Duterte na bawal ang paggamit ng public funds para sa pangangampanya at hindi ito gagawin ng presidente.

“Of course he knows it’s illegal to use public funds for partisan purposes. But there is no prohibition in the Omnibus Election Code to raise funds from private individuals for the candidacies of individuals,” ani Roque.

Binigyan lamang aniya ng presidente ng kasiguruhan ang kanyang mga kapartido na susuportahan niya ang mga ito sa darating na eleksyon at mangangalap ng pondo para sa kanilang kandidatura.

Hindi aniya labag sa Konstitusyon ang pangangalap ng donasyon para suportahan ang isang kandidato.

“So that is what the president mean. It’s an assurance to his party mates that not only will he physically campaign for them, he will also raise funds for them and that’s not prohibited by the Constitution or the Omnibus Election Code.Unfortunately democracy can be very expensive,” dagdag ni Roque.

Nagtataka ang kalihim kung paano naging ilegal ang paggamit ng pondo sa eleksyon dahil kung ganito aniya ang sistema ay tiyak na tanging mayayaman lamang ang makatakbo sa halalan.

“I do not know where you got the information that the funds for election purposes is illegal, it’s not. Without fund raising in fact no candidate can run, and only the very rich can run if soliciting funds for election purposes will be declared illegal,” wika ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?