26

Nov 20, 2021 @ 15:27
By

Palasyo natuwa sa ICC

Ikinagalak ng Malacañang ang aksiyon ng International Criminal Court (ICC) na suspendihin ang ginagawang imbestigasyon sa drug war sa Pilipinas.

Ito ay matapos hilingin ng embahada ng Pilipinas sa The Hague, Netherlands na ipagpaliban ng ICC ang imbestigasyon sa umano’y extrajudicial killings sa bansa.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na welcome sa Palasyo ang naging aksiyon ng bagong ICC prosecutor na muling tingnan ang reklamong inihain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa drug war nito.

Kumpiyansa ang Palasyo na makikita ng bagong ICC prosecutor na gumagana ang justice system sa bansa at lahat ng mga paratang ay mababaligtad pabor sa gobyerno.

“We welcome the judiciousness of the new ICC prosecutor, who has deemed it fit to give the matter a fresh look and we trust that the matter will be resolved in favor of the exhonoration of our government and the recognition of the vibrancy of our justice system,” ani Nograles.

Muling nanindigan ang Palasyo na walang hurisdiksiyon ang ICC sa Pilipinas at kung nakipag-ugnayan man ang embahada sa ICC, hindi nangangahulugang binabawi ng gobyerno ang posisyon sa isyu ng kawalan ng hurisdisksiyon .

“It should be stressed that the government’s communication to the ICC was conditioned on the factt that in making that communication the Philippne government was not waiving its position regarding the ICC’s lack of jurisdiction,” dagdag ni Nograles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?