120

By

Palasyo nanindigan: Pagpapawalang-bisa ng amnestiya ni Trillanes, legal!

Sharing is caring!

Iginiit ng Malacañang na legal at konstitusyonal ang Proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpawalang bisa sa amnestiya ni Senador Antonio Trillanes IV.

Tugon ito ng Palasyo sa apela ni Trillanes na irekonsidera ang naging desisyon ng Makati Regional Trial Court (RTC) noong Oktubre na nagpatibay sa proklamasyon ni Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang dudang sinusunod ng Presidente ang batas at bahagi ng kanyang kapangyarihan na ipatupad ang batas, kabilang na dito pagtugis at pagpapanagot sa mga labag sa batas.

“We stand with the decision of Makati RTC Branch 148, in so far as it upheld the legality of Presidential Proclamation No. 572 (s. 2018). The President’s Proclamation on the nullity of the supposed grant of amnesty to Senator Trillanes is a valid exercise of executive power as it is part of the Constitution’s mandate for the President to ensure the enforcement of all laws, including the lawful prosecution of those who violate such laws,” ani Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi panghihimasok o pakikialam sa kapangyarihan ng ibang sangay ng gobyerno ang Proclamation 572 gaya ng nais palitawin ni Trillanes.

Sinabi ni Panelo na mismong ang korte ang nagsabi na hindi nilapastangan ng Pangulo ang prerogative ng Kongreso sa paggawad ng amnestiya kay Trillanes dahil hindi ang amnesty proclamation ang kinukuwestiyon kundi ang implementasyon nito.

Itinatama lamang aniya ng Malacañang ang mali kung saan dinismis ang mga kso laban sa senador.

Kung tutuusin, sinabi ng kalihim na patuloy na nilalabag ni Trillanes ang kanyang amenstiya dahil sa patuloy na pagbanat sa gobyerno.

“An act of fraud can never stop the government from enforcing the law in the interest of protecting the people. Verily, it is Senator Trillanes himself who continues to violate the very definition and concept of an amnesty and seeks to subvert it,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?