106

Dec 22, 2017 @ 16:06
By

Palasyo nalungkot sa trahedya ng MV Mercraft 3

Ikinalungkot ng Malacañang ang sinapit na trahedya ng mga pasahero ng fastcraft na MV Mercraft 3 sa karagatang nasa pagitan ng Quezon at Polilio Island.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na bagama’t kumikilos na ang Coast Guard para mahanap ang mga nawawala pang pasahero, mahalagang mabatid sa imbestigasyon kung ano ang sanhi ng paglubog ng Mercraft 3 at kung sino ang dapat na managot sa trahedya.

Kasabay nito, nanawagan si Roque sa mga transport officials na gawing maayos ang kanilang trabaho lalo na ngayong inaasahan ang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan para iselebra ang Pasko at Bagong Taon.

“Investigations have started to determine what caused this sea mishap even as we call on our transport officials to exercise due diligence in the performance of their duties especially with the expected huge influx of travellers to the provinces this holiday season,” ang pahayag ni Roque.

Umakyat na sa lima ang bilang ng mga nasawi sa insidente batay sa report ng Quezon Disaster Risk Reduction and Management Council at 253 ang nailigtas.

Sa kabuuan ay 258 ang lahat ng nailigtas mula sa lumubog na ferry boat subalit 251 ang nasa passengers manifest. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?